^

Probinsiya

ASF nakapasok na sa Cagayan Valley

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
ASF nakapasok na sa Cagayan Valley
Kabilang sa mga backyards ng mga hog raisers na nagpositibo sa ASF ay mula sa mga bayan ng Mallig at Quirino sa Isabela.
STAR/File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Positibong naka-pasok na sa Cagayan Valley (Region-02) ang African Swine Fever matapos magpositibo ang blood sample na sinuri ng Bureau of Animal Industry ayon sa Department of Agriculture (DA)-Region 2. 

Ayon kay Regional Director Narciso Edillo ng DA-Cagayan Valley, kinumpirma nito na dalawang bayan mula sa lalawigan ng Isabela ang mahigpit na binabantayan ngayon ma-tapos magpositibo sa ASF ang mga alagang baboy. 

Kabilang sa mga backyards ng mga hog raisers na nagpositibo sa ASF ay mula sa mga bayan ng Mallig at Quirino sa Isabela.

Pinaniniwalaang nagmula ang karne ng baboy sa katabing lalawigan ng Kalinga na nakahawa sa mga alagang baboy sa Mallig.

Pinayuhan ng DA ang mga nag-aalaga ng baboy sa rehiyon na iwasan muna ang pagpapakain ng pinag­hugasan o mga tira-tirang pagkain para masiguro na hindi kumalat ang nasabing sakit.

Dahil dito, mas lalong naghigpit ang mga awtoridad sa pagpasok ng mga karne mula sa ibang lalawigan at rehiyon kasabay ng mas pinaigting na pagmomonitor sa mga lansangan at pamilihan. 

vuukle comment

ASF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with