^

Probinsiya

3 dakma sa .P5 milyong shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
3 dakma sa .P5 milyong shabu
Nakarekober din ang grupo ng mga drugs paraphernalia, drug money at marked money na ginamit sa buy-bust.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Tatlo katao ang nalambat matapos masamsaman ng nasa P.5 mil­yong halaga ng shabu sa magdamagang drug operation ng pulisya sa Dasmariñas City. Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Najeb Amatunding Diamla at pinsang si Samiarah Amatunding Riga, kapwa ng Brgy. Esmael at isang Vic Daniel De Guzman ng Brgy. San Simon Dasmariñas City.

Sa ulat mula kay Cavite Provincial Director P/Lt. Col. Marlon Santos, magkasunod na drug operation ang kanilang inilatag sa Brgy. Burol 1 at Brgy.  Fatima 1 kung saan nadakma ang mga suspek. Nakuha sa magpinsan ang may mahigit sa 30.6 gramo ng shabu na aabot sa P300,000 ang halaga habang narekober kay De Guzman ang mahigit 25 gramo ng  shabu na nagkakahalaga sa P200,000.

Nakarekober din ang grupo ng mga drugs paraphernalia, drug money at marked money na ginamit sa buy-bust. 

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with