^

Probinsiya

2 bus nagsalpukan: 1 dedo, 2 sugatan

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 bus nagsalpukan: 1 dedo, 2 sugatan
Naisugod pa sa Ragay District Hospital pero namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa pinsalang tinamo sa katawan si Lorenzo Alinsub, 49-anyos, driver ng Silver Star Bus Lines (HOG-721), residente ng Cupang, Muntinlupa.
Philstar.com/File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasawi ang isang bus driver matapos na bumangga ang minamaneho nito sa kasalubong na DLTB bus makaraang mag-overtake sa sinusundang dalawang truck na ikinasugat ng dalawa pang katao sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Sinuknipan, Del Gallego, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Naisugod pa sa Ragay District Hospital pero namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa pinsalang tinamo sa katawan si Lorenzo Alinsub, 49-anyos, driver ng Silver Star Bus Lines (HOG-721), residente ng Cupang, Muntinlupa.

Sugatan at dinala naman sa Bicol Medical Center si Rodrigo Verdad, driver ng DLTB Bus (UYC-322), ng Sta. Mesa, Manila at pasaherong si Ryan Glendo ng Cabuyao, Laguna.

Sa ulat, dakong alas-3:40 ng madaling araw habang binabagtas ng Silver Star bus na minamaneho ni Alinsub ang highway nang subukan nitong mag-overtake sa sinusundang truck (WIS-260) na hinahatak ng isa pang towing truck na pag-aari ng Decker Cargo Logistic Corporation at minamaneho ni Aries Bania ng Agusan Del Sur. Gayunman, sumabit ang bus ng biktima sa hulihang bahagi ng hinahatak na truck dahilan para mawalan ito ng kontrol at diretsong sumalpok sa kasalubong na DLTB Bus.

Agad sumaklolo ang mga opisyal at residente ng barangay at isinugod sa pagamutan ang mga sugatan habang nahirapan ang rescue team ng bayan bago natanggal mula sa pagkakaipit sa harap ng kanyang minamanehong bus si Alinsub na namatay rin kalaunan.

vuukle comment

BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with