^

Probinsiya

9 PUI sa Cagayan Valley, negatibo sa nCoV

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines —  Umabot na sa 9 na persons under investigation (PUI) ang nagnegatibo sa 2019 novel coronavirus (nCoV), batay sa resulta ng kanilang test, ayon sa Department of Health-Region 2 kamakalawa.

Sa pahayag ng DOH-Cagayan Valley, anim sa 10 PUI sa rehiyon ang nagnegatibo sa nCoV habang tatlong iba pa ang naunang na-discharge sa isang ospital matapos  magnegatibo rin sa virus.

Napag-alaman na ilan sa mga pasyente na nagnegatibo sa coronavirus ay mula sa mga bayan ng Gattaran, Tuao at Sto. Niño sa Cagayan; Cauayan City naman sa Isabela at mula sa bayan ng Diffun sa Quirino. Naunang nakauwi sa kanilang tahanan matapos magnegatibo sa nCov ang tatlong pasyente sa Nueva Vizcaya na kinabibilangan  ng mag-ina na mula Hong Kong at isang OFW.

Ipinadala na ng ahensya ang huling apat na specimen samples ng iba pang PUI sa Research Institute for Tropical Medicine para masuri.

Sa kasalukuyan, nana-natiling zero case sa nCoV ang buong rehiyon. 

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with