^

Probinsiya

Trike driver pinatay ng pasahero

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

DOLORES, Quezon, Philippines — Butas ang noo at katawan at namatay noon din ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang pasahero nito kamakalawa ng umaga sa Brgy. Kinabuhayan ng bayang ito. 

Kinilala ni P/Major Eric Veluz, chief of police dito ang biktima na si Mario Marana alyas “Mook”, 46, isa ring barangay tanod ng Brgy. Sta. Lucia sa bayang ito.

 Sa ulat, alas-8:30 ng umaga ay binabagtas ng biktima ang highway sakay ng kanyang tricycle subalit pagsapit sa Bangkong Kahoy Valley ay pumara ang hindi kilalang pasahero. Makalipas ang ilang minuto, nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at pasahero hanggang sa bumunot ng kalibre 45 ang huli at makailang beses na pinaputukan ang una. Nang makitang bumulagta ang biktima, mabilis na naglakad patakas ang suspek.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with