^

Probinsiya

Van bumaliktad: 3 guro patay, 8 pa sugatan

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Van bumaliktad: 3 guro patay, 8 pa sugatan
Sa report na nakarating kay Kalinga Police Director Colonel Job Russell Balaquit, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Fernando Ducasao sa pabulusok at kurbadang daan bunsod upang sumalpok ang kanilang behikulo sa konkretong barrier sa tabi ng highway bago ito tulu­yang bumaligtad nang ilang ulit pababa sa matarik na highway dakong alas-6:30 ng gabi.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Tatlong guro ng pampublikong paaralan ang nasawi habang malubhang nasugatan ang walo pa nilang kabaro na dadalo sana sa Kalinga “Bodong Festival” nang bumaligtad ang sinasakyan nilang van sa bulubunduking highway ng Sitio Lonnog, Brgy. Ma­baca, Tanudan, Kalinga noong Biyernes ng gabi.  

Sa report na nakarating kay Kalinga Police Director Colonel Job Russell Balaquit, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Fernando Ducasao sa pabulusok at kurbadang daan bunsod upang sumalpok ang kanilang behikulo sa konkretong barrier sa tabi ng highway bago ito tulu­yang bumaligtad nang ilang ulit pababa sa matarik na highway dakong alas-6:30 ng gabi.

Bunga nito, agad nasawi ang mga gurong sina Ro­derick Sucliyao at Marcelina Dupagan Sapon habang dead-on-arrival sa ospital si Cresencia Wandag Ca­yangao.

Magkahiwalay namang isinugod sa Kalinga Provincial Hospital at Cagayan Valley Medical Center ang mga nasugatang guro na sina Ariane Cathleen Dalanao, Alister Dalanao, Hubert Abowac, James Abowac, Ralyn  Dao-ayan, Leonida Puctiyao, Francisca Addagan at drayber na si Ducasao.

Nabatid na patungo ang mga biktima sa isinasagawang trade fair kaugnay sa pagdaraos ng taunang Bodong Festival at ika-25 Kalinga Founding Anniversary sa kabisera ng Tabuk City nang maganap ang aksidente.

vuukle comment

VAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with