^

Probinsiya

P30 milyong proyekto ng TESDA sa Bulacan, sinimulan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

GUIGUINTO, Bulacan, Philippines — Sinimulan na ng Technical Education Skills and Deve­lopment Authority (TESDA) ang pagtatayo ng kanilang mga bagong pasilidad na nagkakahalaga ng P30 mil­yon sa lalawigang ito, iniulat kahapon.

Pinangunahan nina Senador Joel Villanueva at TESDA Director General Isidro Lapeña ang groundbreaking ng itatayong two-storey dormitory at multi-purpose gymnasium sa Regional Training Center dito.

Ang P30 milyong proyekto ay maaaring matuluyan ng mga trainees mula sa malalayong bayan tulad ng San Miguel, Donya Remedios Trinidad, Norzagaray, San Ildefonso, San Rafael, Angat at iba pa na kasalukuyang sumasailalim sa skills training program ng TESDA.

Ayon kay Villanueva, ang nasabing proyekto ay hindi lamang maghahatid ng qua­lity skills training kundi magbibi­gay rin ito ng oportunidad para makakuha ng magandang trabaho ang mga kababa­yang Bulacaneos. Mala­king bagay aniya ang proyekto lalo na sa mga kababayan na gustong makapag-aral at makapagsanay na nagmula pa sa malalayong lugar.

May sukat na 357 metro kwadrado ang dalawang palapag na dormitoryo na kayang magtira ng 50 trai­nees at magagamit bilang laboratoryo. Samantala, may 708 metro kwadrado ang multi-purpose gymnasium na gagamitin naman para sa mga graduation at iba pang seremonya ng TESDA.

Inaasahang matatapos ang konstruksyon nito sa Oktubre.

vuukle comment

TESDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with