P1.2 milyong shabu samsam sa drug ops
ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Arestado ang isang lalaki na high value target (HVT) dahil sa umano’y pagbebenta at pag-iingat ng P1.2 milyong shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Balibago ng lungsod na ito noong Huwebes ng gabi.
Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Maj. Aries Gonzales, kinilala ang suspek na si Kenneth Ballesteros, 30, residente sa Sitio Ipil-Ipil, Barangay Pulung Maragul, Angeles City.
Nasamsam dito ang nasa 180 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,224,000 at perang ginamit sa operasyon. Kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng nasabing suspek.
- Latest