^

Probinsiya

Parak na ‘tulak’ utas sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Parak na �tulak� utas sa buy-bust
Tinangka pang isugod sa Tanchuling Hospital sa Iriga City pero dineklarang dead-on-arrival ang suspek na si Patrolman Domingo Rayosa Cabañez Jr, nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Camp Gen. Simeon Ola at residente ng nasabing barangay.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang isang aktibong pulis na suma-sideline bilang tulak ng droga matapos manlaban sa ginawang buy-bust ope­ration ng kanyang mga kabaro sa Zone-6, Brgy.Topas Proper, Nabua, Camarines Sur kahapon ng tanghali.

Tinangka pang isugod sa Tanchuling Hospital sa Iriga City pero dineklarang dead-on-arrival ang suspek na si Patrolman Domingo Rayosa Cabañez Jr, nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Camp Gen. Simeon Ola at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat ni Major Ma. Luisa Calubaquib, taga­pagsalita ng Police Regional Office 5 (PRO-5), dakong alas-11:43 ng tanghali nang ikasa ng Camarines Sur at Nabua Police ang buy-bust ope­ration laban kay Cabañez na itinuturing na high value target (HVT). Nang magkaabutan ng droga ay nakahalata umano ang suspek na mga kapwa pulis ang kanyang katransaksyon kaya agad siyang bumunot ng  baril. Gayunman, naunahan siyang paputukan ng mga operatiba.

Nakuha sa suspek ang tatlong sachet ng shabu, P500 buy-bust money at kalibre 38 baril.

Ayon kay Calubaquib, nakapasok na pulis si Cabañez noong 2005 sa Camarines Sur Provincial Office pero na-discharge noong Enero 20, 2016 makaraang mag-AWOL (absent without official leave) pero muling nakabalik sa serbisyo noong Nobyembre 18, 2018 at itinalaga sa Camp Ola.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with