^

Probinsiya

Pasahero na may baril, granada todas sa pulis

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang umano’y miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na armado ng mga baril at granada matapos na magtangkang manlaban sa mga pulis sa loob ng sinasakyang bus sa Shariff Aguak, Maguindanao kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa Maguindanao Provincial Hospital ang suspek na si Sammy Upam, 37-anyos, taga-Mamasapano, Maguindanao at kasapi umano ng MILF 105th Base Command. Siya ay armado ng dalawang cal. 45 pistol at isang Granada nang masabat.

Sa ulat, sumakay sa Husky Bus ang suspek mula Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat at pagda­ting nito sa Shariff Aguak terminal, pasado alas-10:00 ng umaga nang pababain ang mga pasa­herong walang ticket upang magbayad sa ticket booth.  Gayunman, namataan si Upam na may dalang baril kaya’t humingi ng tulong sa pulisya ang driver ng bus. Nang dumating ang mga pulis sa pangunguna ni Shariff Aguak Police chief Major Erwin Tabora ay kinausap si Upam upang mapayapang sumuko ngunit biglang bumunot ng baril kaya inunahan na siyang paputukan ng mga pulis. Si Upam ay suspect umano sa pang-aagaw ng baril ng security guard na si Tahir Solayman sa isang mall malapit sa Cotabato City City Hall.  

vuukle comment

GRANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with