^

Probinsiya

Dalaga kinaladkad bago kinatay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Dalaga kinaladkad bago kinatay
Naliligo sa sariling dugo at patay na nang matagpuan ng mga kaanak, may 30-metro ang layo mula sa kanilang bahay ang biktimang si Shiela Arizala, residente ng nasabing barangay.

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 26-anyos na dalaga matapos pasukin at kaladkarin ng dalawang hindi nakilalang lalaki palabas ng bahay at pinagtulungang pagtatagain hanggang mapaslang sa Sitio San Roque, Brgy. Rizal sa Monreal, Masbate kamakalawa ng gabi.

Naliligo sa sariling dugo at patay na nang matagpuan ng mga kaanak, may 30-metro ang layo mula sa kanilang bahay ang biktimang si Shiela Arizala, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas-7 ng gabi habang nag-iisa sa loob ng kanilang bahay si Arizala nang puwersahang pumasok ang hindi nakilalang mga lalaki na armado ng itak. Kinaladkad ang biktima palabas ng kanilang bahay at nang sa ‘di kalayuan ay pinagtulungang pagta­tagain sa kabila ng palahaw at pagmama­kaawa nito.

Tumakas ang mga suspek matapos masigurong patay ang biktima.

Hindi pa malaman ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

vuukle comment

SHIELA ARIZALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with