^

Probinsiya

Single mom, nalambat sa P.5 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Single mom, nalambat sa P.5 milyong shabu
Sa ulat na tinanggap ni Quezon Police director Col. Audie Madrideo mula kina P/Lt. Cols. Gaylor Pagala at Romulo Albacea, kinilala ang nadakip na si Judylyn Mahiya alyas “Jhudz”, 22, dalaga, nasa drug watchlist ng pulisya at residente ng nasabing barangay.
STAR/ File

LUCENA CITY, Philippines - Miserableng buhay ang kakaharapin ng isang single mother na may isang linggo pa lamang nanganganak makaraang madakip ng pinagsanib na mga elemento ng Quezon at Lucena Police-Drug Enforcement Unit (DEU) nang makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P.5 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Atin-atin 2, Brgy. Market View, dito sa lungsod kahapon ng umaga.

Sa ulat na tinanggap ni Quezon Police director Col. Audie Madrideo mula kina P/Lt. Cols. Gaylor Pagala at Romulo Albacea, kinilala ang nadakip na si Judylyn Mahiya alyas “Jhudz”, 22, dalaga, nasa drug watchlist ng pulisya at residente ng nasabing barangay.

Dakong alas-4:00 ng umaga nang isagawa ang buy-bust sa mismong bahay ng babae at nabilhan ng poseur buyer na policewoman ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiskahan pa ang suspek ng 13 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 100 gramo at nagkakahalaga ng P555,000, isang P1,000 bill, apat na budol ng P1,000, timbangan ng droga at coin purse.

Aminado ang suspek na nagbebenta siya ng drogang galing umano sa Taguig upang matus­tusan ang pambili ng gatas ng kanyang isang linggong gulang na anak.

vuukle comment

DEU

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with