^

Probinsiya

Totoy hulog na sa trike, napisak pa sa truck

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Lasog ang katawan ng isang batang lalaking estudyante makaraang mahulog sa sinasakyang tricycle at magulungan pa ng kasalubong na trailer truck sa kahabaan ng Brgy. Tabuating, sa bayan ng San Leonardo, dito noong Biyernes ng umaga.

 Patay noon din ang biktima na si John Melmar Lorme, 12-anyos at Grade 6 pupil ng Brgy. Del Pilar, San Fernando, Pampanga.  Sa ulat, alas-10:45 ng umaga, sakay ang biktima ng tricycle na minamaneho ng kanyang ama at patungo sa Cabanatuan City habang ang trailer truck (NAY-4429) ay pasalungat naman o sa direksyon patungong Bulacan. Sa hindi mabatid na kadahilanan, bigla umanong inokupa ng trailer truck ang linya ng tricycle.

Upang makaiwas na masalpok ng truck, kinabig ng tatay ng biktima ang manibela pero nahulog ang kanilang sasakyan sa malalim-lalim na bahagi ng kalsada na nagresulta sa pagkalaglag ng batang biktima sa sementadong highway at sa kamalasan ay nagulungan ng nasabing trak. Matapos na magulungan ang bata, tumakas ang drayber ng trak na  ngayo’y pinaghahanap na ng mga awtoridad.

vuukle comment

JOHN MELMAR LORME

NAY-4429

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with