^

Probinsiya

Cagayan airport isinara sa nCoV

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Cagayan airport isinara sa nCoV
Ayon kay Secretary Raul Lambino, CEZA administrator at chief executive officer, ang pagsuspinde sa lahat ng Macau/China-Lallo flights ay para maiwasan ang posibleng pagpasok at pagkalat ng nakamamamatay na nCoV na pinaniniwalaang mula sa Wuhan City sa China.
AFP

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Tulu­yan nang ipinag-utos ng pamunuan ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ang suspension sa lahat ng chartered flights mula Macau at iba pang ba-hagi ng China patungo sa Cagayan North International Airport (CNIA) sa Lallo, Cagayan sa gitna na rin ng pagkalat ng 2019 novel coronavirus (nCoV) kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Secretary Raul Lambino, CEZA administrator at chief executive officer, ang pagsuspinde sa lahat ng Macau/China-Lallo flights ay para maiwasan ang posibleng pagpasok at pagkalat ng nakamamamatay na nCoV na pinaniniwalaang mula sa Wuhan City sa China.

Ang CNIA sa Lallo na binuksan nitong Agosto 2019 ang pangunahing paliparan na nilalapagan ng karamihang Tsino na pumupunta sa hilagang bahagi ng Luzon lalo na sa bayan ng Santa Ana kung saan matatagpuan ang maraming mga casino at resorts, sa pa­mamagitan ng mga inter­national chartered flights mula China.

“We have already informed the charterer of Royal Air to suspend its operations until further notice. We cannot simply put to risk the lives of our people in the wake of a global concern against the spread of this deadly disease, and since air travel is one of the quickest ways that a virus can spread, we are going to suspend our charter flights,” ani Lambino na siya ring Presidential Adviser for Northern Luzon.

Maliban sa CNIA, mahigpit ding binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang tatlo pang airport sa Cagayan Valley na kinabibilangan ng Cauayan City Domestic Airport sa Cauayan City, Isabela; Tuguegarao Domestic Airport sa Tuguegarao City, Cagayan at Basco Airport sa lalawigan ng Batanes.

Ayon kay DOH Regional Director Rio Magpantay, nagsagawa na sila ng mga panguna-hing hakbang katuwang ang Bureau of Quarantine and Aviation Security Unit ng Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng gobyerno para imonitor at tiyakin na masusuri ang bawat pasahero ng mga eroplano na lalapag sa mga nasabing paliparan. Nagtalaga na rin sila ng mga quarantine officer sa mga paliparan na siyang mangangalaga sa mga pasaherong may mga sintomas ng nasabing sakit.

Samantala, pinabula­anan ng DOH ang mga kumakalat na balita sa social media na may isang Tsino na nagposi-ti­bo sa nCov sa Santa Ana, Cagayan. Hiniling sa publiko na iwasan ang mag-post sa social media ng mga pekeng balita para hindi umano mas lalong maalarma ang publiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with