^

Probinsiya

Supervisor bulagta sa road rage

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Supervisor bulagta sa road rage
Kinilala ang nasawi na si Lordjim Ang, 33-anyos habang masuwerteng nakaligtas ang utol nito na si Loyd Jay, 30-anyos, isang collector, at kapwa residente ng Zurich St., Phase 2, San Marino City, Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

CAVITE, Philippines — Isang supervisor ang nasawi habang nakaligtas ang kanyang nakababatang kapatid matapos silang pagbabarilin ng apat na nakasagutang suspek dahil sa umano’y nakabara sa daan habang nagkukum­puni ng kanilang motorsiklo sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Lordjim Ang, 33-anyos habang masuwerteng nakaligtas ang utol nito na si Loyd Jay, 30-anyos, isang collector, at kapwa residente ng Zurich St., Phase 2, San Marino City, Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

Tinutugis na ng pulisya ang mga tumakas na suspek sakay ng isang kulay gray na kotse na hindi nakuha ang plaka.

Sa ulat ni P/Master Sgt. Elmo Cabo-boy, ala-1:25 ng madaling araw habang magkatulong na gumagawa ng kanilang motorsiklo ang magkapatid sa nasabing kalye nang dumating ang isang kotse sakay ang apat na suspek. Huminto ang kotse at bumaba ang mga suspek saka sinita ang magkapatid dahil nakaharang umano sa daan. Nangatuwiran ang magkapatid na hindi nila maialis ang motorsiklo dahil ayaw umandar at may sira habang malaki naman anila ang espasyo at kasya pang dumaan ang sasakyan ng mga suspek. Gayunman, napikon ang mga suspek hanggang sa isa sa kanila ang kumuha ng baril sa kotse at dito na pinagbabaril ang magkapatid.

Minalas na napuruhan ang nakata­tandang biktima at mabilis na tumakas ang mga salarin.

vuukle comment

ROAD RAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with