^

Probinsiya

Mag-ina sa Nueva Vizcaya, inoobserbahan sa nCoV

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina sa Nueva Vizcaya, inoobserbahan sa nCoV
Agad inilagay sa isolation ang mag-ina matapos makakitaan ng ilang sintomas tulad ng lagnat at pagsusuka, lalo na at nagmula ang mga ito sa bansang Hong Kong kung saan positibong may mga kaso ng nCoV.
STAR/File

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Mahigpit na inoob­serbahan ngayon sa isolation room ng isang ospital sa bayan na ito ang isang mag-ina na mula Hong Kong matapos makakitaan ng ilang sintomas ng nakamamatay na 2019 novel Coronavirus.

Ayon kay Dr. Danilo ‘Dan’ Alejandro, officer-in-charge ng Region II Trauma and Medical Center (Veterans Regional Hospital) na nakabase sa bayan na ito, ang mag-ina na hindi na pina­ngalanan ay kababalik lamang mula Hong Kong kung saan sila nagbakasyon.

Agad inilagay sa isolation ang mag-ina matapos makakitaan ng ilang sintomas tulad ng lagnat at pagsusuka, lalo na at nagmula ang mga ito sa bansang Hong Kong kung saan positibong may mga kaso ng nCoV.

Sinabi ni Alejandro na isa sa mga binigyang-diin ng Department of Health (DOH) sa kanila ay ang pagtutok sa mga pasyente na nakakaranas ng hindi ordinaryong karamdaman lalo na kung ang mga ito ay may history ng travel sa China o ibang bansa na may kumpirmas­yon ng nCOV.

Dahil dito ay mananatili umano sa isolation room ang dalawang pasyente habang isinasagawa pa ang mga kaukulang pagsusuri sa kanila kasabay ng patuloy na pagmo-monitor ng kanilang kondisyon.

 

vuukle comment

NUEVA VIZCAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with