^

Probinsiya

Trike salpok sa bus: 3 patay, 1 grabe

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Trike salpok sa bus: 3 patay, 1 grabe
Hindi na nagawa pang umiwas ang bus at agad na nagsalpukan ang dalawang sasakyan kung saan sa lakas ng banggaan ay nawasak ang tricycle at naipit ang mga biktima.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Agad na nasawi ang tatlo kataong sakay ng tricycle habang isang pasahero ang nasa kritikal na kon­disyon matapos bumangga ang kanilang sinasakyan sa kasalubong na pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Purok-2, Brgy. San Isidro, Talisay, Camarines Norte noong Martes ng gabi.

Sinubukan pang isugod ng mga rumespondeng kasapi ng rescue team ng Labo local government sa Camarines Norte Provincial Hospital sa Daet ang driver ng tricycle na walang plaka na si Melvil Lansayan Hernandez, residente ng Purok-3, Brgy. Sto. Niño at mga pasahero nitong sina Felix Zenarosa Rafer, 60-anyos at Marlon Jacob Rafer, 26; pawang residente ng Purok-1, Brgy. San Isidro pero idineklara silang patay habang nasa malubhang kalagayan ang isa pa na si Lorendo Hernandez Del Valle, 23-anyos.

Sa ulat ni P/Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Camp Gen. Si­meon Ola, dakong alas-10:40 ng gabi, galing sa bayan ng Labo patungong Daet ay binabagtas ng bus ng Auto Transit Inc. (NDD-4057) na minamaneho ni Ruel Castillo Mendiola, 45-anyos ng Brgy. Kabuluan, Sta. Elena, ang kahabaan ng highway nang pagdating sa nasabing barangay ay nasalubong nito ang tricycle ng mga biktima na umokupa sa linya ng bus.

Hindi na nagawa pang umiwas ang bus at agad na nagsalpukan ang dalawang sasakyan kung saan sa lakas ng banggaan ay nawasak ang tricycle at naipit ang mga biktima.

Sumuko naman ang driver ng bus na si Mendiola habang walang nasu­gatan sa mga pasahero nito.

vuukle comment

BUS

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with