^

Probinsiya

Antipolo health worker dedo sa Cavite drug ops

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay matapos umanong manlaban sa pulis­ya ang isang worker sa City Health Office ng Antipolo sa isang ikinasang buy-bust ng Cavite Pib at Imus Police, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Alapan 2, Imus City.

Kinilala ni P/Lt. Col. Cristopher Guste, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang suspek na si Roberto Fernandez, kawani ng Antipolo City Health Office at residente ng Brgy. San Roque, Antipolo City, Rizal , base  sa nakuhang identification (ID) card nito.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:00 ng hapon nang ilatag ng mga operatiba ng Cavite PIB-DET kasama ang PDEA agents ang buy-bust operation at tumayong buyer si P/SSg. Ashley Jugado. Hala­gang P1,000.00 ang binili na droga ni Jugado sa suspek at habang nagkakabayaran ay nakatunog umano ang huli kaya’t itinulak nito ang ka-deal na pulis at nagtatakbo patakas. Pinaputukan pa umano ng suspek ng kalibre 45 pistol ang mga naglabasang pulis sanhi upang magkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng una.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with