^

Probinsiya

4 ‘tulak’ dedo sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 �tulak� dedo sa shootout
Sa report ni Calabarzon Police director Brig. Gen. Vicente Danao Jr., dakong ala-1:15 ng mada­ling araw kahapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang Padre Garcia Municipal Police at Drug Enforcement Unit ng Batangas Police laban sa dalawang target na sina Louie Mendoza at Ri­chard de Guzman sa Brgy. Banaba, Padre Garcia.
STAR/File

MANILA, Philippines – Apat na pinaghihinalaang notoryus na drug pushers  kabilang ang mga nagtutulak pa rin ng droga sa kabila ng ashfall ng Taal volcano sa nauwi sa shootout na buy-bust operation sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Cavite at Batangas kamakalawa ng gabi at nitong Martes ng madaling araw.

Sa report ni Calabarzon Police director Brig. Gen. Vicente Danao Jr., dakong ala-1:15 ng mada­ling araw kahapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang Padre Garcia Municipal Police at Drug Enforcement Unit ng Batangas Police laban sa dalawang target na sina Louie Mendoza at Ri­chard de Guzman sa Brgy. Banaba, Padre Garcia.

 Nakatunog sina Mendoza at de Guzman na mga alagad ng batas ang ka-deal kaya’t agad nagpaputok na nauwi sa engkuwentro na kanilang ikinatimbuwang. Narekober sa mga suspek ang anim na plastic ng shabu (250 gramo) na nagkakahalaga ng P1.7 milyon; P350,000 pekeng buy-bust money, isang cal. 38 revolver at mga drug paraphernalia.

 Samantala, alas-11:30 ng gabi nang mauwi rin sa engkuwentro ang buy-bust operation ng DEU/Intelligence team sa ilalim ng superbisyon ni P/Lt. Col. Richard Ian Tubiera Ang at PDEA sa Summerwind Drive, Brgy. Burol-Main, Dasmariñas, Cavite laban sa mga suspek na sina alyas “Mcdo” at alyas “Bong”. Nakahalata umano ang mga suspek na undercover agent ang kanilang ka-deal  sa bentahan ng P700.00 na halaga ng shabu kaya’t mabilis na binaril ang mga pulis na nauwi rin sa shootout na ikinasawi ng dalawa. Cristina Timbang

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with