^

Probinsiya

Guro nang-scam ng hotel owner, tiklo

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

Nagpakilalang obispo sa social media

NORTH COTABATO, Philippines — Isang guro ang dinakip matapos na umano’y mang-scam sa social media gamit ang pangalan ng isang obispo sa General Santos City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Dorris Pamplona, ng Pagalungan Elementary School sa Polomolok, South Cotabato. Siya ay nakapiit na sa Gensan Police Station 1.

Nabatid na isa ang may-ari ng Tierra Montana Hotel sa Gensan ang nabiktima ng suspek na humihingi ng donasyon gamit ang account ng Diocese of Kidapawan.

Lumantad sa publiko si Ging Villaruel, may-ari ng hotel kung saan isiniwalat nito ang panloloko sa kanya ng “scammer” gamit ang pangalan ni Bishop Jose Colin Bagaforo, DD ng Diocese of Kidapawan.

Aniya, social media account ng obispo ang ginamit ng suspek na humikayat sa kanya na mag-sponsor at bumili ng tabernacle para sa Our Lady Mediatrix of All Grace Cathedral sa halagang P218,000.

Matapos ang kanilang palitan ng mensahe, sinabi ng suspek na ihulog ang pera sa account na kanyang ibinigay.

Tinawagan naman ni Villaruel si Bishop Bagaforo, para tanungin kung natanggap ang donasyon, at nang sinabi ng obispo sa kanya na hindi sila humihingi ng donasyon gamit ang social media, dito niya nadiskubre na nabiktima siya ng scammer.  

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with