^

Probinsiya

P11.3 milyong smuggled fuel nasabat sa dagat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P11.3 milyong smuggled fuel nasabat sa dagat
Ayon kay PAF Chief Spokesman Major Aristedes Galang Jr., dakong alas-10 ng gabi nang maharang ang M/L Arnalyn 2 vessel sa bisinidad ng nasabing karagatan.Kasalukuyang nagpapatrolya ang Field Station Western Mindanao (Intelligence Unit) PAF Special Mission Group katuwang ang Naval Intelligence Security Unit 61; Tactical Operations Group Sultaw; S2 Marine Battalion Landing Team 9 at 8 Marine Company Marine Corps Assault Boat Battalion nang masabat ang nasabing barko na naglalaman ng mga puslit na langis.
Michael Varcas/ File

TAWI-TAWI, Philippines — Umaabot sa P11.3-milyong halaga ng smuggled fuel ang nasamsam ng pinagsanib na elemento ng Philippine Air Force (PAF) Special Mission Group, Naval Intelligence Security Unit at Marine Corps  matapos maharang ang isang barko sa karagatan ng Brgy. Pakias, Bongao, Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi.

 Ayon kay PAF Chief Spokesman Major Aristedes Galang Jr., dakong alas-10 ng gabi nang maharang ang M/L Arnalyn 2 vessel sa bisinidad ng nasabing karagatan.Kasalukuyang nagpapatrolya ang Field Station Western Mindanao  (Intelligence Unit) PAF Special Mission Group katuwang ang Naval Intelligence Security Unit 61; Tactical Operations Group Sultaw; S2 Marine Battalion Landing Team 9 at 8 Marine Company Marine Corps Assault Boat Battalion nang masabat ang nasabing barko na naglalaman ng mga puslit na langis.

Agad na ininspeksyon ng security forces ang nasabing barko at dito tumambad ang 500 drum ng mga smuggled fuel products.

Wala namang maipakitang dokumento ang mga tripulante ng barko na nagsasaad na legal ang pagbibiyahe  ng nasabing mga produktong langis na agad kinumpiska ng mga operatiba. Arestado sa operasyon ang anim na tripulante habang nasa kustodya ng Bongao Pier ang nasabat na barko.

vuukle comment

ARISTEDES GALANG JR.

PAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with