^

Probinsiya

5 suspek sa pagpatay kay ex-Rep. Mendoza, hawak na ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
5 suspek sa pagpatay kay ex-Rep. Mendoza, hawak na ng PNP
Ani Coronel, patuloy na sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang limang suspect na hindi muna pinangalanan hangga’t hindi pa natutukoy ang mastermind sa krimen at patuloy ang pangangalap ng ebidensya laban sa kanila.
Boy Santos/ File

MANILA, Philippines — Limang suspek sa brutal na pagpatay kay dating 2nd District Batangas Rep. Edgar Mendoza, bodyguard at driver nito na natag­puang sinunog ang mga bangkay sa Tiaong, Quezon noong unang bahagi ng Enero ng taon ang hawak na ng mga awtoridad, ayon sa isang opisyal kahapon.

Sinabi ni PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (CIDG) director Police Brigadier General Joel Napoleon Coronel, isinailalim nila sa kustodya ang ilang personalidad upang maresolba ang krimen.

“We have several persons under custody now who we believe are connected in the killing of former Congressman Edgar Mendoza,” pahayag ni Coronel.

Ani Coronel, patuloy na sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang limang suspect na hindi muna pinangalanan hangga’t hindi pa natutukoy ang mastermind sa krimen at patuloy ang pangangalap ng ebidensya laban sa kanila.

“We will be consul-ting with the Department of Justice prosecutors on this account so we would be able to file a strong case against these suspects,” anang opisyal.

Magugunita na ang bangkay ni Mendoza, driver na si Nicanor Mendoza  at bodyguard nitong si Ruel Ruiz ay natagpuan ang sunog na mga katawan sa isang tulay sa Brgy. San Francisco, Tiaong, Quezon noong Enero 9 matapos na silaban ang behikulo ng dating solon.

Ang nasunog na isang Honda Civic (DAN-6374) ay positibo namang kinilala ng  anak ng dating kongresista na si Edgar.

Magugunita na ang dating kongresista ay umalis sa kanilang bahay sa Batangas City noong Enero 8 para makipag-meeting sa Calamba City, Laguna pero nabigo na silang makauwi at kinabuka­san ay natagpuan ang halos hindi na makilalang bangkay ng mga biktima sa Tiaong, Quezon.

vuukle comment

CIDG

JOEL NAPOLEON CORONEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with