^

Probinsiya

Mag-asawa, anak kinatay matapos laitin ang manugang

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa, anak kinatay matapos laitin ang manugang
Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Bene­victo Calibayan, 53-anyos, misis na si Hapelina, 52, at anak na si Victoria, 15-taong gulang, pawang ng nasabing lugar.
File

NORTH COTABATO, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang pamilya na kinabibilangan ng isang mag-asawa at menor-de-edad na anak matapos silang pagsasaksakin at pagtatagain ng kanilang kapamilya na umano’y nainsulto sa panlalait ng biyenan sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Lambukon, Barangay Canahay, Suralla, South Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Bene­victo Calibayan, 53-anyos, misis na si Hapelina, 52, at anak na si Victoria, 15-taong gulang, pawang ng nasabing lugar.

Nahaharap naman sa kasong multiple murder ang suspek na si John Jobert Dones alias Jun-Jun Tiko, 31-taong gulang at residente ng Barangay Canahay sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng Surallah Police, nag-iinuman sa bahay ng mga biktima ang suspek at bi­yenan nito na si Benevicto habang nasa loob din ng bahay sina Hapelina at Victoria na nanonood ng telebisyon, pasado alas-8:00 ng gabi nang biglang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng magbiyenan.

Kinompronta umano ni Benevicto ang manugang na si Dones na umano’y batugan at kung bakit hindi maghanap ng trabaho dahil meron na siyang pamil­ya. Gayunman, minasama ng manugang ang paninita ng biyenang lalaki hanggang sa bigla na lang umanong tumayo ang una at kumuha ng itak at pinagtataga ang biyenan. Hindi pa nakuntento, isinunod na kinatay ng suspek ang bi­yenang babae at si Victoria.

Nitong Linggo, sumuko ang suspek sa isang barangay kagawad at ngayo’y nakapiit sa Surallah Police detention cell. 

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with