^

Probinsiya

4 Sayyaf dedo sa engkuwentro

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
4 Sayyaf dedo sa engkuwentro
Kinilala ang mga napaslang na terorista na sina Oyong Maulana, Datu Solon Maulana, Rashida Maulana at Nhadz Omar habang isang sundalo ang nasugatan sa sagupaan.
The STAR/Joven Cagande,file

NORTH COTABATO, Philippines — Apat na kilabot na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na isinasangkot sa pangingidnap at kalakaran ng ilegal na droga ang napatay makaraang makaengkwentro ang militar sa Barangay Lakit-Lakit, Sapa-Sapa, Tawi-Tawi, Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga napaslang na terorista na sina Oyong Maulana, Datu Solon Maulana, Rashida Maulana at Nhadz Omar habang isang sundalo ang nasugatan sa sagupaan.

Sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Camilo Balutan, pinuno ng Joint Task Force Tawi-Tawi, nagsimula ang bakbakan dakong alas-5:00 ng umaga habang nagsasagawa ng focused military operation ang pangkat ng Marine Battalion Landing Team-6 (MBLT-6) sa nasabing lugar.

Narekober sa encounter site ang mga armas, bala, dalawang plastic suspected shabu at mga drug paraphernalia.

Agad namang pinuri ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, hepe ng Western Mindanao Command (Westmincom) ang nasabing matagumpay na military operation. 

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with