^

Probinsiya

‘Ilegal na droga, onsehan sa bentahan ng lupa’ sinisilip sa pagpatay sa ex-vice mayor, tserman

Joy Cantos, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
�Ilegal na droga, onsehan sa bentahan ng lupa� sinisilip sa pagpatay sa ex-vice mayor, tserman
Ayon kay Bulacan Provincial Police director Col. Emma Libunao, bumuo na siya ng Special Investigation Task Group (SITG) na tatawaging “Task Force Marquez-Capistrano” na pamumunuan niya mismo katuwang si P/Lt.Col. Jaime Quiocho upang malutas ang nasabing kaso.
File

BULACAN, Philippines — Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang posibilidad na motibong onsehan sa negosyo ng bentahan ng lupa at umano’y illegal drug transaction kung kaya pinatay ang dating bise alkalde ng Pandi, Bulacan at kasamang barangay captain noong Linggo ng tanghali.

Ayon kay Bulacan Provincial Police director Col. Emma Libunao, bumuo na siya ng Special Investigation Task Group (SITG) na tatawaging “Task Force Marquez-Capistrano” na pamumunuan niya mismo katuwang si P/Lt.Col. Jaime Quiocho upang malutas ang nasabing kaso.

Magugunita na nitong Linggo bandang alas-12:50 ng tanghali nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sina dating Pandi-Bulacan Vice Mayor Oscar Marquez, 54, at bayaw nito na si Mauro Capistrano, 56, incumbent chairman ng Brgy. Bagbaguin ng nasabi ring bayan, habang inaantay ang kanilang katagpuang kliyente sa may labas ng Mang Celo Eatery sa Bypass Road, Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan.

Ayon kay Libunao, posib­leng isa sa motibo ang negosyo sa bentahan ng lupa dahil nang maganap ang pamamaslang ay mayroong kausap na kliyente ang dalawang biktima na katatagpuin sa lupang ibinebenta habang may impormasyon ding sangkot ang dalawa sa ilegal na droga.

Nabatid sa pulisya na noong 2016, may nahuli silang drug trafficker sa Sitio Antonio, Pandi at nakita sa cellphone ng suspek ang pangalan ni Marquez na umano’y sangkot sa droga.

Isiniwalat din ng mga pulis na nakitaan ng isang sachet ng shabu si Brgy. Chairman Capistrano sa wallet nito, nang suriin ang katawan nito ilang minuto matapos siyang pagbabarilin sa nasabing lugar.

Inalis naman ng pulisya ang anggulong pulitika sa krimen dahil wala umano silang nakikitang indikasyon para idawit sa usaping pulitika ang pagpaslang.

Ang pinaslang na dating vice mayor ay kapatid ng natalong Pandi ex-mayor na si Celestino “Tinoy” Marquez.

Kaugnay nito, inatasan na ni Pandi Mayor Rico Roque si P/Maj. Joy Placido, hepe ng Pandi Police na magsagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon upang makatulong sa ikalulutas ng nasabing krimen.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with