^

Probinsiya

2 turista tiklo sa 12 marijuana bricks

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Halos umabot sa P1 milyong pisong halaga ng isang dosenang marijuana bricks ang nasamsam ng awtoridad sa dalawang naarestong lokal na turista sa Bontoc, Mountain Province kamakalawa.

Kinilala ni Director Edgar Apalla ng Cordillera-PDEA ang mga nadakip na sina Rufino Marmito Jr., 20-anyos, at call center agent na si Ernie Leongson, 24, kapwa mga residente ng Guiguinto, Bulacan.

Ang dalawa ay nahuli sa isang checkpoint sa Barangay Samoki matapos itimbre ng mga tiktik na may mga dala sa kanilang bag na ilegal na droga. Sa pagsisiyasat ng pulisya, umaabot sa halagang P984,000 ang nasamsam na marijuana bricks.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with