Motor nasagi ng kotse: Driver dedo
CAVITE, Philippines — Nasawi ang driver ng isang motor matapos na sumemplang at sumadsad sa kalsada makaraang masagi ng kasabay na kotse habang kapwa bumabagtas sa kahabaan ng Trece-Tanza Rd, Brgy. De Ocampo Trece Martirez City Cavite.
Nakilala ang namatay na biktima na si Jerry Tupal, 35-anyos, driver, residente ng Alapan 2-A, Imus City, Cavite. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng kotse na nakilalang si Luis Rubio, 64-anyos, mekaniko at residente ng B-3, L-3, Ph2-A, Belvedere Towne, Brgy. Paradahan, Tanza, Cavite.
Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Rene Bibon, alas-7:50 ng umaga habang bumabagtas si Tupal lulan ng kanyang kulay itim na Suzuki 115 sa nasabing lugar nang mahagip ng itim na Mitsubishi Delica (BDA-193) ni Rubio.
- Latest