^

Probinsiya

Trike sinuwag ng pickup: 7 patay

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Trike sinuwag ng pickup: 7 patay
Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang iba pang biktima na sina Ma. Dionebelle Dahili, 7-anyos, estudyante at Diosebelle Dahili, 5; pawang mga lulan din ng tricycle at ang isang sakay ng pickup na si Alfredo Minoza.
STAR/File

Outing ng pamilya, nauwi sa trahedya:

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masaya sanang outing ng mga magkakapamilya matapos na pito sa kanila ang nasawi kabilang ang tatlong bata habang tatlo pa ang nasugatan makaraang suwagin ng isang humahagibis na pickup truck ang sinasakyan nilang tricycle sa highway ng Purok 6, Taglimao, Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur, kahapon ng umaga.

Ang mga biktima na pawang dead-on-the-spot sa trahedya dahil sa tinamong matitinding pinsala sa katawan ay kinilalang sina  Dionesio Dahili, 27-anyos, driver ng tricycle at mga sakay na sina Imelda Dahili, 50; Jenalyn Daga-Ang Dahili, 28, isang OFW; Bernadeth Dahili, 25; Sabrena Dahili, 3-an­yos; Stephany Dahili, 5- anyos at Ysia Banque, 1-an­yos; mga residente ng Purok 4,Brgy. Patin-ay, Prosperidad.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang iba pang biktima na sina Ma. Dionebelle Dahili, 7-anyos, estudyante at Diosebelle Dahili, 5; pawang mga lulan din ng tricycle at ang isang sakay ng pickup na si Alfredo Minoza.

Sa report ni CARAGA Police Director Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr., alas-10:50 ng umaga habang sakay ang 9 na katao sa TMX 155 tricycle na minamaneho ni Dionesio na mag-a-­outing sana sa dagat nang makabanggaan nito ang isang humahagibis na kulay kayumangging Nissan Navara pickup (may conduction stic­ker F2 S347) na minamaneho naman ni Mark Junrell Flores, 29, na patu­ngong Davao City.

Ayon sa mga nakasaksi, napunta sa lane ng tricycle ang kasalubong na pickup sanhi ng matinding salpukan. Nakaladkad pa ng pickup ang tricycle na napunta pa sa palayan.

Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang dri­ver ng pickup na ngayo’y nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at 3 counts ng frustrated homicide.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with