^

Probinsiya

Parak tigok, 4 pa naospital sa ‘road run’

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

Habang sumasabak sa matinding training

MANILA, Philippines — Patay ang isang rookie cop habang naratay naman ang apat pang kasamahan matapos na himatayin sa “road run” habang sumasailalim sa ma­tinding pagsasanay sa Camp Quintin Merecido, Buhanginan, Davao City, ayon sa ulat kahapon.

 Kinilala ang bagitong pulis na si Patrolman Angelo Tito na binawian ng buhay nitong Biyernes ilang oras matapos ilipat sa Metro Davao Medical and Research Center (MDMRC).

Nabatid na nasawi ang nasabing pulis sa sinus tachycardia secondary to severe dehydration o heat stroke.

 Nagpapagaling naman sina Patrolman Dexter Bucaling at Patrolman Exel Busalia sa Southern Philippine Medical Center sa lungsod habang si Patrolman Juvanny Saydaw ay nakalabas na sa  Camp Quintin Merecido Medical Hospital. Nasa maayos na ring kondisyon ang isa pang kasamahan na si Patrolman Fraxsdicio II Florentino.

 Base sa report, alas-4:30 ng hapon kamakalawa nang bigla na lamang himatayin habang tumatakbo ang nasabing mga trainees sa Sun City, Brgy. Communal ng lungsod.

 Ang lima ay kabilang sa mga pulis na sumasailalim sa Basic Internal Security Operation Course (BISOC) training sa nasabing kampo bilang bahagi ng rekisitos bago sila isabak sa paglipol sa nalalabi pang pu­wersa ng mga rebeldeng New People’s Army sa rehiyon.

 Kaugnay nito, sinabi ni Brig. Gen. Filmore Escobal, director ng Police Regional Office (PRO) 11, paiimbestigahan niya ang mga posibleng pagkukulang sa pagkasawi ng nasabing parak sa training program.

 “PRO 11 will be conducting a thorough investigation to find out if there were lapses on the part of the instructors, for a possible filing of administrative charges,” ani Escobal.

Nakiramay ang heneral at nangakong mabibigyan ng tulong pinansyal ang pamilya ng nasawi habang tiniyak ang patas na im­bestigasyon sa insidente.

vuukle comment

ROAD RUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with