^

Probinsiya

‘Pusher’ tumba,‘most wanted’ huli

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan, Philippines – Patay ang isang pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga sa bayan ng Plaridel habang arestado ang tinaguriang No. 4 Most Wanted Person sa Capiz sa magkahiwalay na police operations dito sa lalawigan kahapon.

Sa ulat na isinumite kay P/Col. Emma Libunao, acting Bulacan Provincial director, kinilala ang napatay na si Rommuel Garife alyas “Mome”, nasa hustong gulang at kabilang sa Top 8 Lambat Sibat provincial level drug watchlist.

Base sa report, ala-1:05 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation laban kay Garife sa Brgy. Agnaya, Plaridel. Naghinala ang suspek na mga pulis ang kanyang ka-deal kaya mabilis nitong pinaputukan ng baril ang mga operatiba habang tumakas ang kasama nito lulan ng motorsiklo patungong Brgy. Lumang Bayan, Plaridel. Agad na gumanti ng putok ang mga operatiba sanhi ng agarang pagkamatay ni Garife.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .35, 14 plastic sachet ng shabu, cellphone, drug money na P557 at marked money na ginamit sa buy-bust.

Samantala, nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan Crime Investigation and Detection Group (CIDG), PROACT-Capiz Police Provincial Office (PPO), ang No. 4 most wanted sa Capiz na si Navigar Gardocerial alyas “Dodong”, 48, ng Brgy. Gulod Maragondon, Cavite sa bisa ng dalawang warrant of arrest sa kasong murder at walang kaukulang piyansa.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with