^

Probinsiya

Lady trader niratrat ng kapitbahay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Malubhang nasugatan ang isang 52-anyos na dalagang negosyante matapos na pagbabarilin ng kapitbahay sa loob ng kanyang sari-sari store sa Brgy. Pussuac, Sto. Domingo, Ilocos Sur noong Linggo.

Ayon kay P/Capt. Christopher Ramat, hepe ng Sto. Domingo Police Station, dakong alas-9:00 ng gabi nang walang pasubaling ratratin ng binatang si Jayvie Torrijos, 27-anyos ang biktima na si Fe Plastina saka tumakas. Isinugod ng mga sumaklolo si Plastinas sa Northside Doctor’s Hospital kung saan siya inoobserbahan habang nadakip sa followup operations ng pulisya si Torrijos sa Brgy. Cabalangegan, Vigan City makalipas ang isang oras subalit nabigong marekober ang ginamit nitong baril.

Bagama’t tumangging magsalita ang suspek, sinabi ni Ramat na maaaring sa paniningil ng utang ni Plastina kay Torrijos nag-ugat ang krimen dahil karaniwan itong banta sa buhay ng dalaga mula sa iba pa niyang sinisi­ngil.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with