^

Probinsiya

8 beerhouse ipinasara sa Quirino

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa sakit na nakakahawa

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Ikinandado ng mga awtoridad ang walong beerhouse sa Aglipay, Quirino matapos bawiin ng pamahalaang lokal ang lisensya ng mga ito dahil sa banta ng sexually transmitted diseases (STDs) kamakalawa. 

Sinabi ni Captain William Agpalsa, hepe ng Aglipay Police Station na ang closure order na iniutos ni Mayor Jerry Agsalda ay bunga ng paglabag ng mga operator ng mga beerhouses sa sanitasyon at kalusugan.

Mabigat man sa loob dahil sa kawalan ng pagkakakitaan at pagsusumamo ng mga namamasukan sa beerhouse, sinabi ni Agpalsa na tungkulin niyang ­ipatupad ang batas matapos na dumagsa ang reklamo ng ilang mga parokyano ng mga bahay aliwan na nahawa ng STD na nakukuha sa pakikipagtalik sa mga guest relations officer na karamihan ay mga “free lancer” at hindi dumadaan sa regular check up sa Municipal Health Office.

Bunga ng sitwasyon, nauuwi sa away mag-asawa ang dulot ng mga naturang bahay aliwan kung kaya’t napagpasyahan na ni Mayor Agsalda na tuldukan na ang operasyon ng mga beerhouses sa teritoryo nito.

vuukle comment

JERRY AGSALDA

WILLIAM AGPALSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with