^

Probinsiya

Road mishap: 1 patay, 1 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Road mishap: 1 patay, 1 sugatan
Nakilala lamang ang nasawi sa alyas na “Wine” habang ang nasugatan ay si Pic Salimama; kapwa nakatira sa Brgy. Buluan ng nasabing bayan.
STAR/ File

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isa katao habang sugatan ang kasama nito makaraang masangkot sa vehicular crash sa Purok 4 Barangay La Esperanza, Tulunan, lalawigang ito, kahapon ng umaga.

Nakilala lamang ang nasawi sa alyas na “Wine” habang ang nasugatan ay si Pic Salimama; kapwa nakatira sa Brgy. Buluan ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng Tulunan Police, parehong binabag­tas ng motorsiklo at ng KIA Bongo ang kasalungat na daan nang pagsapit sa lugar ay nag-overtake ang Bongo na minamaneho ni Ian John Patrick Robles, 18-anyos, binata at residente ng Brgy. Sagasa Esperanza, Sultan Kudarat.

Dahil dito, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber sanhi para mabundol ang kasalubong na motorsiklo na lulan ang mga biktima dakong alas-6:00 ng umaga.

Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan si Wine na idineklarang patay sa pagamutan habang nagpapagaling ang kasamang sugatan. 

Nasa kustodya na ng pulisya si Robles at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries.

vuukle comment

IAN JOHN PATRICK ROBLES

PIC SALIMAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with