^

Probinsiya

Disaster assessment sa mga nilindol, isinagawa

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines  - Nagsagawa ng post disaster needs assessment (PDNA) ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan katuwang ang Office of the Civil Defense (OCD)-12 sa lahat ng mga lugar na nasalanta ng mga nakaraang malalakas na lindol.

Ayon sa OCD-12, layunin nito na malaman ang epekto sa pangkalahatan ng mga pamilya at komunidad na nabiktima ng lindol at maibigay ang karampatang tulong para sa kanila.

Isa lamang ang PDNA sa mga ginagawang hakbang ng Kidapawan City local government upang maibalik sa normal ang kabuhayan ng mga apektadong pamilya at maisaayos ang nasirang mga istraktura.

Kaagapay din ng City Government at OCD 12 ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ipinagbigay-alam sa kanila ng OCD ang kahalagahan ng PDNA alinsunod sa mga probisyon ng RA 10-121 o DRRM Law.

Kabilang sa kanilang binisita ang mga lugar na lubhang naapektuhan tulad ng mga barangay ng Ilomavis, Balabag, Perez, at Poblacion.

Ang mga nabanggit ay isasali sa PDNA report na isusumite sa tanggapan ni Pangulong Duterte pagkatapos ng aktibidad.

Ito ay isa rin sa magiging prayoridad ng LGU na tulu­ngang makabangon ang mga mamamayan ng lungsod. Pangunahin dito ay ang pagpapatayo ng relocation sites na magsisilbing bagong tahanan at pamayanan ng mga pamilyang nawasak at nawalan ng bahay dulot ng kalamidad. 

vuukle comment

LGU

NDRRMC

PDNA

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with