^

Probinsiya

Suspek sa Maguindanao massacre todas sa shootout, 1 pa nadakma

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa Maguindanao massacre todas sa shootout, 1 pa nadakma
Sa report ni Brig. Gen. Marni Marcos, Director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kinilala ang napatay na si Edsrail Guiomla alyas “Nas Guiomla” matapos na kumasa at makipagbarilan sa mga operatiba. Nakilala naman ang nasakoteng kasamahan ni Guiomla na si Gambayan Kasim alyas “Lori Alip”, 47-anyos at residente sa nasabing bayan.
AFP

MANILA, Philippines — Isa sa mga suspect sa malagim na Maguin­danao massacre ang napatay matapos na umano’y manlaban sa arresting team ng pulisya habang arestado ang kanyang kasamahan sa isinagawang dragnet operation sa Brgy. Timbangan, Sha-riff Aguak, Maguinda-nao kamakalawa.

Sa report ni Brig. Gen. Marni Marcos, Director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kinilala ang napatay na si Edsrail Guiomla alyas “Nas Guiomla” matapos na kumasa at makipagbarilan sa mga operatiba. Nakilala naman ang nasakoteng kasamahan ni Guiomla na si Gambayan Kasim alyas “Lori Alip”, 47-anyos at residente sa nasabing bayan. 

Sa ulat, alas-11 ng tanghali nang isagawa  ng mga operatiba ang ope­asyon laban kay Kasim sa Brgy. Timbangan ng nasabing bayan.

Ayon sa opisyal, ikinasa ang operasyon laban kay Kasim matapos na maispatan ng asset ng pulisya ang presensya nito sa lugar. Gayunman, papasok pa lang ang arresting team sa lugar ay agad umanong nagpa-putok ng baril si Guiomla na nauwi sa barilan sanhi upang siya ay bumulagta.

Nasukol naman si Kasim na hindi na nakapalag matapos arestu-hin ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan. Nakumpiska sa kanya ang isang granada habang nakuha mula sa katawan ni Guiomla ang isang cal .45 na baril at 13 sachet ng shabu.

vuukle comment

MAGUINDANAO MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with