^

Probinsiya

Kotse sumalpok sa poste: 1 patay, 3 malubha

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang binatang driver habang kritikal ang tatlong sakay nito matapos na sumadsad sa kalsada ang sinasakyang kotse bago sumalpok sa posteng bakal sa kahabaan ng E. Aguinaldo Highway, Brgy. San Vicente 2, Silang ng lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Denmark Monforte, 21-anyos, ng B28 L11, Brgy. Anahaw II, Silang, Cavite habang nilalapatan ng lunas sina Jasper Angelo Delos Santos, 20, 2nd year college student; Kyle Alexis Arevalo, 19, at isang hindi pa kilalang babae.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Aries Mendoza, alas-2:42 ng madaling araw habang minamaneho ni Monforte ang itim na kotseng Honda City (ZLR-657) lulan ang tatlo at may kabilisang bumabagtas sa lugar nang bigla na lang silang sumadsad hanggang sa tuluyang sumalpok sa isang posteng bakal sa gilid ng kalsada.

 Sa lakas ng impact, tumilapon palabas ng kotse ang biktimang si Delos Santos na nakaupo sa tabi ng driver habang ang iba ay naipit sa loob ng sasakyan.

Matapos matanggal sa pagkakaipit, itinakbo ang mga biktima sa Silang Specialist Medical Center at Estrella Hospital subalit namatay rin ang nasabing driver makalipas ang ilang minuto habang hindi pa nagkakamalay ang tatlo.

Inaalam na ng pulisya ang sanhi ng aksidente.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with