Dalagang courier huli sa P.6 milyong shabu
ANGELES CITY, Philippines — Bumagsak sa kamay ng mga pulis ang isang 37-anyos na umano’y courier ng shabu nang masakote at makumpiskahan ng nasa higit P.6-milyong halaga ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy, Balibago, Angeles City, Pampanga noong Huwebes ng gabi.
Ayon Kay ACPDEU Commander P/Capt. Joven Rodriguez, ang suspek na itinuturing na high-value target (HVT) ng Angeles City Police Drug Enforcement Unit ay kinilalang si Rea Despabiladeras, 37, dalaga, ng Blk. 3, Lot 39, UP Diliman, Quezon City at tubong Sorsogon.
Nakuha mula sa suspek ang nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P680,000.00 at ang marked money na ginamit sa operasyon. Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.
- Latest