^

Probinsiya

Lady trader niratrat sa loob ng bahay

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Nueva Ecija, Philippines – Nasawi ang isang negosyanteng babae matapos pagbabarilin ng dalawang ‘di pa natutukoy na gunmen habang nagpapahinga sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. San Maria­no, sa bayang ito, noong Miyerkules ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center (PJGMRMC) sa Cabanatuan City ang biktimang si Antonia Fernando, 61, may-asawa, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi habang nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanyang bahay ay tahimik umanong nakapasok ang dalawang hindi nakilalang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan na lang ang biktima na nasapul ng bala sa kanyang ulo.

Agad umanong tumakas ang dalawang suspek patungo sa hilagang direksyon.

Wala umanong kasama ang biktima sa bahay nang maganap ang krimen.

Hinala ng pulisya, ang dalawang salarin ay mga miyembro umano ng gun-for-hire dahil sa tila propesyunal umanong istilo ng mga ito.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

 

vuukle comment

LADY TRADER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with