^

Probinsiya

300 batang Dumagat tumanggap ng laruan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
300 batang Dumagat tumanggap ng laruan
Masayang tinanggap ng mga batang Dumagat ang mga laruan mula sa pamunuan ng SM City-Cauayan sa ginanap na giftgiving sa Palanan, Isabela, noong Enero 7 ng umaga.
SM photo

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Himigit ku-mu­lang sa 300 batang Dumagat ang muling nagningning ang mga ngiti matapos makatanggap ng mga regalo mula sa SM City-Caua­yan, dito sa lalawigan.

Ayon kay Krystal Gayle Agbulig, public relations manager ng SM City-Cauayan na nakabase sa Cauayan City ng lalawigang ito, ang mga laruan at iba pang mga kagamitan na ibinahagi sa mga kapus-palad na mga bata tulad ng mga Dumagat ay bahagi ng charity project ng SM Supermalls, Toy Kingdom at SM Cares na tinawag na “Bears of Joy”.

Katuwang ang mga mamimili sa lahat ng SM mall sa bansa ay napasaya ang mga batang walang mga laruan o kagamitan tulad ng mga Dumagat na napagkaitan ng marangyang buhay kumpara sa ibang mga bata sa bansa.

“Maraming salamat sa mga tumatangkilik sa lahat ng SM mall sa bansa, sapagkat ang mga batang nakangiti at napapasaya dahil sa mga natanggap na regalo ay mula sa donasyon at suporta ng mga mall shoppers,” pahayag ni Agbulig.

Pinasalamatan din ng SM City Cauayan sina Palanan Mayor Elizabeth Ochoa at Councilor Theo Garcia dahil sa suporta at tulong para sa pagpapasaya sa mga batang Dumagat.

Ang bayan ng Palanan kung saan naninirahan ang maraming mga Dumagat sa lalawigan ng Isabela ay isa sa pinakamalayong lugar ng lalawigan kung saan walang daloy ng elektrisidad at madalas na dinadaanan ng kalamidad lalo na ang mga bagyo.

vuukle comment

KRYSTAL GAYLE AGBULIG

SM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with