^

Probinsiya

Mister nakuryente sa poste, tigok

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

ATIMONAN, Quezon , Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang mister matapos na makuryente sa poste ng ilaw sa Purok Kamagong, Barangay Angeles ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Albert Llop, 34, may asawa, construction worker at residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, nag­lalakad patungo sa kanilang bahay ang biktima dakong alas- 9:00 ng gabi nang aksidenteng mapahawak sa nakalawit na kable ng kuryente sa poste ng barangay street light.

Agad na nagkikisay ang biktima dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente na pumasok sa kanyang katawan at mabilis na isinugod sa ospital subalit hindi na nagawang maisalba ng mga manggagamot ang kanyang buhay.  

vuukle comment

ALBERT LLOP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with