^

Probinsiya

8-anyos ginahasa, pinatay sa sakal

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
8-anyos ginahasa, pinatay sa sakal
Nakasubsob sa may damuhan ang rape-slay victim na si Janelle Sanchez (kaliwang larawan) nang matagpuan ng mga awtoridad sa loob ng masukal na bahagi ng subdibisyon sa Brgy. Masin Sur, Cadelaria, Quezon kamakalawa. Ares­tado naman ang pangunahing suspek (kanan) sa krimen na si Ricardo Burce makaraang ituro ng mga saksi.
Candelaria Police

CANDELARIA, Quezon, Philippines – Patay na nang ma­tagpuan ang isang 8-anyos na babaeng estudyante na hinihinalang ginahasa pa saka itinapon ang bangkay nito ng isang umano’y adik sa masukal na bahagi ng isang subdibisyon sa Brgy. Masin Sur ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Janelle Nivera Sanchez, Grade 3 pupil ng Highway View, Brgy. Masin Sur, Candelaria, Quezon.

Batay sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima noong Enero 5, 2020 ng hapon habang nagla­laro sa labas ng kanilang bahay kasama ang kapwa mga bata. Subalit lumipas­ na ang magdamag ay hindi na nakauwi ang biktima hanggang sa iulat sa him­pilan ng pulisya ng ama nitong si Ronaldo ang pagkawala ng anak.

Sa isinagawag search operation ng pamilya at mga awtoridad sa pamumuno ni P/SMS Maripil Real, natunton ang wala nang buhay na bata na nakasubsob sa damuhan­, walang saplot pang-ibaba, duguan ang ari at punit-punit ang damit na pala­tandaang ginahasa sa ka­gubatang bahagi ng West Valley Subdivision sa Brgy. Masin Sur.

Sa follow-up operation, nasakote ang panguna­hing suspek sa krimen na si Ricardo Bongalon Burce, 55-anyos, may asawa, ob­rero, tubong Tabaco City, Albay at nakatira sa nasabi ring barangay.

Si Burce ang huling na­kitang kausap ng biktima habang naglalaro. Nakita rin umanong may bakas ng dugo ang damit ng suspek na nanggaling sa kakahuyan kung saan nadiskubre ang bangkay ng bata.

Sa ulat, una pang nagkuwento ang suspek na nakita nga niya ang biktima na naglalaro pero ti­nangay umano ng tatlong lalaki at isinakay sa isang van.

Sa kabila nito, hindi ki­nagat ng pulisya ang alibi nito hanggang sa umamin na napatay niya ang bata sa sakal nang manlaban at magpumiglas habang kan­yang ginagahasa.

Ang suspek na rin umano ang nagturo sa bangkay ng bata matapos ang kanyang pag-amin sa krimen.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with