^

Probinsiya

Suspek nakorner habang papatakas, utas din Totoy, tiyo patay sa adik na kaanak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Suspek nakorner habang papatakas, utas din Totoy, tiyo patay sa adik na kaanak
Kinilala ni Batangas Provincial Police Office (PPO) Director P/Col. Edwin Quilates, ang mga nasawing magtiyuhin na sina Leo Guico, 45-anyos at Cyruss Ethaniel Pusing na pawang dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kanilang ulo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kapwa patay ang isang 12-anyos na batang lalaki at tiyuhin nito nang pagbabarilin ng sariling kaanak na pinaghihinalaang lango sa droga na napaslang naman ng mga tumugis ding kamag-anak makaraang sumemplang ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Rosario, Batangas kamakalawa.

Kinilala ni Batangas Provincial Police Office (PPO) Director P/Col. Edwin Quilates, ang mga nasawing magtiyuhin na sina Leo Guico, 45-anyos at Cyruss Ethaniel Pusing na pawang dead-on-the-spot sa tinamong mga  tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kanilang ulo.

Patay rin agad ang suspek na si Mark Anthony Claveria, 33-anyos matapos na kuyugin at pagbabarilin ng mga humabol na kaanak.

 Sa ulat, alas-3 ng hapon nang pasukin ni Claveria na armado ng baril si Guico sa kanyang bahay sa Brgy. Antipolo ng nasabing bayan. Nang makita si Guico ay bigla na lamang pinagbabaril ng suspek habang minalas na mahagip ng bala ang batang si Pusing na nagkataong nasa tahanan ng tiyo.

 Ang dalawang biktima ay kapwa bumulagta habang mabilis na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo. Gayunman, sa pagmamadali ay sumemplang siya sa sasakyan kung kaya naabutan ng mga humahabol na kamag-anak.

 Sinabi ni Quilates na napatay rin ang suspek matapos na pagbabarilin ng galit na kamag-anak.

 Sa rekord, ang suspek ay pitong taong nakulong sa Cavite kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 o Anti-dangerous Drugs Act na napalaya sa plea bargaining. Siya ay kabilang sa mga sumuko sa Oplan Tokhang ng PNP sa kanilang lugar.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with