^

Probinsiya

Bus hulog sa bangin: 26 nasaktan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Nasa 26 katao ang sugatan kabilang ang drayber at konduktor matapos na mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang bus sa Kilometer 110, Brgy. Amas, Kidapawan City kahapon ng madaling araw.

Sa panayam kay Police Lt. Col. Bernard Tayong, taga­pagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, ga-ling sa Ecoland Terminal sa Davao City ang Mindanao STAR Bus (DAM 5913) alas-2:00 ng madaling araw at pagsapit sa nasabing lugar ay nawalan ng kontrol ang drayber sa manibela. Madulas umano ang highway dahil sa mga pag-ulan at tuluyang nahulog ang bus sa ‘di kalalimang bangin.

Kasama sa mga sugatan ang drayber ng bus na si Jaypee L Jose, 36-anyos na residente ng Marber, Bansalan, Davao del Sur at ang konduktor na si Yasser M Abe, 49-anyos ng Poblacion, Pikit, Cotabato. Sa nasabing bilang, tatlo ang matinding nasugatan kabilang ang 74-an-yos na si Joey Arzadan, isang retiradong pulis ng Making, Parang, Maguindanao. Ang mga sugatan ay mabilis na isinugod sa Amas Provincial Hospital para malapatan ng lunas.

vuukle comment

AKSIDENTE

BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with