^

Probinsiya

Mag-asawa dedo sa hit & run

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang mag-asawa sa unang araw ng taon habang masuwerteng nakaligtas ang 6-anyos nilang anak matapos na masalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo at takbuhan ng nakabundol sa Patulangon Road, Bara­ngay Malasila, Makilala, lalawigang ito noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Rogen Bayod Fernandez, 26 anyos, mekaniko at ang backrider na misis na si Stephanie, 28, kapwa residente ng Palmera Drive, Barangay Poblacion. Nakaligtas naman ang batang anak na kasama ring sakay  sa motorsiklo sa nasabing insidente, pasado alas-7:00 ng gabi.

Sa report ng Makilala Police, papuntang Kidapawan City ang mga biktima pero pagdating sa naturang lugar ay bigla na lang silang binangga sa likuran ng isa pang motorsiklo. Dahil sa insidente, tumilapon ang driver ng motorsiklo sa gilid ng highway at nagtamo ng sugat dahilan para bawian ng buhay pati na rin ang angkas na misis.

Himala namang nakaligtas ang kanilang paslit na anak. Imbes namang tumigil, iniwan ng ‘di nakilalang driver ang mga biktima na nakahandusay sa kalsada.

vuukle comment

HIT AND RUN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with