^

Probinsiya

PANOORIN: 2 tumilapon sa pagkalas ng carnival ride sa Antipolo

Philstar.com
PANOORIN: 2 tumilapon sa pagkalas ng carnival ride sa Antipolo
Sa video na in-upload ni Jerwin Dimaisip noong Linggo, makikitang nalaglag ang ilang sumasakay sa "Spiral Jet" matapos kumalas ang ilang bahagi nito.
Video grab mula sa Facebook ni Jerwin Lara Dimaisip

MANILA, Philippines — Disgrasya ang inabot ng ilang nagsasaya sa Ynares Center, Antipolo matapos tumilapon ang sinasakyang ride sa peryahan.

Sa video na in-upload ni Jerwin Dimaisip noong Linggo, makikitang nalaglag ang ilang sumasakay sa "Spiral Jet" matapos kumalas ang ilang bahagi nito.

Sa panayam ng PSN, sinabi ni Dimaisip na taunang may tiangge at peryahan sa nasabing lugar mula Setyembre hanggang Enero.

Ang ilang nakakita tuloy ng insidente, laking gulat sa sinapit ng mga biktima.

Ayon sa ulat ng News5, sinagot naman ng perya ang pagpapagamot sa dalawang nasugatan sa pangyayari.

Hindi pa naman tumutugon sa panayam ang lokal na pamahalaan ng Antipolo patungkol sa insidente. — James Relativo

vuukle comment

ACCIDENT

ANTIPOLO CITY

CARNIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with