^

Probinsiya

5 ‘persons of interest’ sa rape-slay ng 11-anyos

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
5 �persons of interest� sa rape-slay ng 11-anyos
Ayon kay P/Col. Edwin Quilates, Batangas police director, kabilang na rito ang malalapit na kaanak ng biktima maging ang ilang kapitbahay.
STAR/ File

BATANGAS , Philippines — Limang “per­sons of interest” o pinag­hi­hinalaang sangkot sa pagpatay sa 11-anyos na batang babae ang isasailalim sa im-bes­tigasyon ng Bauan Police. 

Ayon kay P/Col. Edwin Quilates, Batangas police director, kabilang na rito ang malalapit na kaanak ng biktima maging ang ilang kapitbahay. 

Matatandaang natagpu-an ang bangkay ng batang si Maria Christina Valerio sa may Barangay Bolo, Bauan Batangas pasado alas-2 ng hapon noong Disyembre 24.

Limang saksi umano ang kinukunan na ng mga paha-yag para sa ikalulutas ng kaso. 

Sa inisyal na imbestigas­yon, posible umanong hinalay muna ang biktima bago pinatay matapos matagpuan ang panty nito ilang metro ang layo mula sa kanyang bangkay. Sumasailalim na rin sa laboratory testing ang semilya na natagpuan sa naturang panty habang nire-review ang mga CCTV sa Brgy. San Roque at Brgy. Bolo para makilala ang mga salarin. 

Nag-alok na ng P30,000 bilang pabuya sa sino mang makapagtuturo sa mga suspek.

Sa ano mang impormas­yon, maaari umanong tuma­wag sa Bauan Police sa 043-7271005, 0998-9673421, 0917-5022624 at 0916-4620308.

vuukle comment

EDWIN QUILATES

MARIA CHRISTINA VALERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with