^

Probinsiya

4 pa tigok sa ‘killer lambanog’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
4 pa tigok sa �killer lambanog�
Ayon sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Director P/Col. Audie Madrideo, nakilala ang mag-asawang namatay na sina Pedro, 59, at Rosie Duran, mga residente ng Pagbilao, Quezon.
STAR/ File

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Isang mag-asawa at dalawang iba pa ang nadagdag sa talaan ng mga namatay makaraang uminom ng nakalalasong lambanog habang idinaraos ang araw ng Pasko.

Ayon sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Director P/Col. Audie Madrideo, nakilala ang mag-asawang namatay na sina Pedro, 59, at Rosie Duran, mga residente ng Pagbilao, Quezon.

Nag-inuman umano ang mag-asawa ng lambanog noong araw ng Pasko at makaraan ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, panlalabo ng mata at pagkahilo hanggang sa isugod sa Quezon Medical Center (CMC) sa Lucena City at kinalaunan ay namatay.

Tumanggap naman ng tawag sa telepono si P/Lt. Col Romulo Albacea tungkol sa dalawang lala­king dinala pa sa ospital na diumano’y uminom ng lambanog.

Sa beripikasyon, nabatid na uminom ng lambanog mula sa maliit na tindahan na binili naman sa Laguna ng mga biktimang sina Alvin Santiago Gonzales, 34, at Dominic Colegio, 29.

Nakaranas ng sintomas ng pagkalason ang dalawa at isinugod sa QMC na kinalaunan ay nalagutan ng hininga.

Umabot na sa 7 katao mula sa lalawigan ng Quezon ang namatay dahil sa pag-inom ng killer lambanog.

Nauna nang naiulat ang pagkamatay ng tatlo katao sa Candelaria, Quezon na kinilalang sina Christian Duarte Aguilar, 25-anyos, tricycle driver; kaanak na si Ernesto Aguilar, 54, at Marvin Macatangay, 28.

Dahil sa apat na hu-ling nadagdag na nasawi, umaabot na sa 19 katao ang namamatay sa lambanog sanhi ng sinasabing methanol content nito.

vuukle comment

KILLER LAMBANOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with