^

Probinsiya

2 farm caretaker timbog sa droga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 farm caretaker timbog sa droga
Kinilala ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, ang mga nadakip na sina Orlando Barientos, 48, at Marites Evangelista, 43.
File

LUCENA CITY, Philippines — Sa kulungan magdaraos ng pagsalubong sa Bagong Taon ang maglive-in na caretaker ng farm ng mga sasabunging manok matapos silang makuhaan ng mahigit sa P.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-drug operation ng pulisya sa Purok Ilang-ilang 29, Barangay Silangang Mayao, dito sa lungsod kahapon.

Kinilala ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, ang mga nadakip na sina Orlando Barientos, 48, at Marites Evangelista, 43. 

Isinagawa ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang buy-bust operation sa mga suspek dakong alas-2:00 ng hapon sa compound ng binabantayan nilang farm.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Orlando ang isang plastic sachet ng shabu at isang kalibre 38 revolver na may kasamang tatlong bala.

Isang kaha ng sigarilyo na naglalaman ng 9 na plastic sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P225,000, isang P1,000 bill at dalawang budol na P1,000 ang nakuha mula kay Maritess.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with