Salpukan ng motorsiklo: Mister patay, binatilyo grabe
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang mister ang nasawi habang kritikal ang isang 17-anyos na binatilyo sa salpukan ng kani-kanilang motorsiklo sa national highway ng Brgy. Ziminila, Camalaniugan, Cagayan kamakalawa.
Sa report ng pulisya, humaharurot sa pagtakbo si Romeo San Juan nang mang-agaw ito ng linya at tumbukin ang kasalubong ng binatilyo na itinago sa pangalang “Mark Jordan” dakong alas-8:30 ng gabi.
Kapwa tumilapon at nagpagulung-gulong sa kalsada ang dalawa na isinugod ng mga sumaklolo sa ospital subalit hindi na nakaabot ng buhay si San Juan.
- Latest