9 ‘tulak’ timbog sa buy-bust
ANGELES CITY, Philippines — Siyam na katao na umano’y sangkot sa pagbebenta at pag-iingat ng bawal na gamot ang nalambat matapos magsagawa ng magkakahiwalay na buy-bust operation ang Angeles City Police noong Lunes ng hapon at Martes ng madaling araw sa lungsod.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Obeng Atabay, 22, ng Brgy. Pampang; James De Guzman, 31, Brgy. Sapang Bato; Reynaldo Patiag, 39, umano’y nangulimbat ng baterya sa talyer ng Brgy. Sto. Cristo; Jonas Estabillo, 31, binata; Erwin Peter Marcela, 33, binata; Mark Libao, 33, binata; Randy Guinto, 31, binata ng Northville, Brgy. Cutud; Jennel Dela Rosa, 29, ng Brgy. Lourdes North West at Frederick Paloma, 35, ng Brgy. Dau; pawang sa Angeles City. Nasamsam sa mga suspek ang 22 plastic sachet ng hinihinalang shabu, iba-ibang drug paraphernalia at marked money.
- Latest